Kasunduan para maisapribado ang NAIA nilagdaan na

Kasunduan para maisapribado ang NAIA nilagdaan na

Nalagdaan na ang kasunduan sa pagsasapribado sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos saksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang privatization project ng NAIA sa pamamagitan ng Public-Private Partnership Project.

Ayon kay Pangulong Marcos, isang investment para sa kinabukasan ang proyekto na nilagdaan ng Department of Transportation at SMC SAP and Co. Consortium.

Una nang umani ng batikos ang NAIA dahil sa mga viral video ng pagkalat ng surot at daga sa paliparan.

“The reputation of this airport has been shredded, and let us be frank about it, not by bad press, by its actual poor state,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The gateway that should be the red carpet to our country has become a dirty rug that unfairly defined a visitor’s first impression, which we all know is extremely important for all of those who are tourists, who are travelers, who… for any reason have come into the Philippines,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, nasa 35 hanggang 62 milyong pasahero ang maaring madagdag kada taon sa NAIA.

Nasa P170 bilyon ang pondo para sa pag-aayos ng paliparan.

Dumalo sa ceremonial signing sina House Speaker Martin Romualdez; His Excellency Lee Sang Hwa, the Ambassador of South Korea to the Philippines; Transportation Secretary Jimmy Bautista at iba pang opisyal ng pamahalaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *