Philippine Salt Industry Development Act nilagdaan ni Pang. Marcos bilang ganap na batas

Philippine Salt Industry Development Act nilagdaan ni Pang. Marcos bilang ganap na batas

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong batas na bubuhay muli sa industriya ng asin sa bansa.

Base sa 23-pahinang “Philippine Salt Industry Development Act,” na nilagdaan noong Marso 11, bibigyan ng suporta ang mga nasa industriya ng asin.

Gagawin ito sa pamamagitan ng paggamit ng tamang teknolohiya, research, financial, production, marketing at iba pang support services.

Layunin nito na mapataas ang produksyon ng bansa sa asin at maging salt-sufficiency at exporter.

Sa ilalim ng batas, bubuo ng “Salt Council” ang pamahalaan para tiyakin na maayos na naipatutupad ang salt roadmap at mapabilis ang modernisasyon at industriyalisaasyon.

Ang kalihim ng Department of Agriculture ang tataong chairman ng council habang ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ang magiging vice-chairperson habang magsisilbing representatives ang mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette at sa mga malalaking pahayagan sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *