Pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur kinondena ni Pang. Marcos
Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.
Sa post ni Pangulong Marcos sa kanyang official account na X o dating Twitter, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.
“We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our courageous soldiers in Maguindanao del Sur on March 17,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa pangulo, ang naturang insidente ay lalong magpapalakas sa layunin ng gobyerno na masawata ang terorismo sa rehiyon at sa iba pang bahagi ng bansa.
Tiniyak pa ni Pangulong Marcos sa pamilya ng apat na sundalo na bibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
“Under my administration, we remain resolute in our pledge to ensure that justice is swiftly served for our fallen heroes. I have instructed the immediate provision of benefits and assistance to support the families they leave behind,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Base sa ulat, pauwi na ang apat na sundalo sakay ng civilian na sasakyan nang pagbabarilin ng mga umanoy miyembro ng Dawla Islamiya-Hassan Group.
“Let this tragic event unite us in our unwavering commitment for a safer, stronger, and insurgency-free Philippines. Together, we shall prevail against these acts of violence,” pahayag ni Pangulong Marcos. (DDC)