Las Piñas CENRO nagsagawa ng taunang check-up para sa Kaagapay seniors

Las Piñas CENRO nagsagawa ng taunang check-up para sa Kaagapay seniors

Sa pagpapakita ng kalinga at pangangalaga, nagsagawa ang Las Piñas City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang City Health Office (CHO) ng screening at annual check-up para sa senior citizens mula sa Kaagapay sa Kalinisan sa Verdant Covered Court sa Barangay Pamplona Tres nitong Marso 12.

Ang Kaagapay senior citizens ay matagal nang nag-aambag ng kabutihan sa komunidad sa pamamagitan ng kanilang pagtatrabaho bilang street sweepers sa pagpapanatili ng kalinisan at malusog na lungsod ang Las Piñas.

Nabigyan sila ng libreng mga lektura ukol sa pangangangalang pangkalusugan, konsultasyong medikal at kumpletong check-ups.

Ang nasabing inisyatiba ay hindi lamang pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga Kaagapay senior citizens kundi para siguruhin din ang kanilang kalusugan at pagpaprayoridad sa kanilang kapakanan.

Tinutukan naman ni Vice Mayor April Aguilar ang aktibidad kung saan nagbahagi siya ng makabuluhang mensahe at pasasalamat na nagpalakas ng pag-asa ng senior citizens ng Kaagapay.

Ang presensiya ng bise-alkalde ay nagbigay-diin sa hindi matatawarang suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga nakatatanda ng Kaagapay, na legasiya ng malasakit at serbisyong pangkomunidad na sinimulan ng yumaong Mayor Vergel “Nene” Aguilar.

Sa kanyang pagkatatag ng organisasyon ng Kaagapay, naisulong ni Mayor Aguilar ang magandang diwa ng samahan na nag-ambag sa pagpreserba ng mga hakbang pangkapaligiran o pangkalikasan sa lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *