Zero Maritime Casualty, target ng PCG para sa Semana Santa 2024
Inumpisahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanda para sa Semana Santa.
Simula sa March 23 hanggang April 3 ay sasailalim sa heightened alert ang PCG para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation (DOTr).
Inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ang lahat ng PCG Districts, Stations, at Sub-Stations na paigtingin ang pagsasagawa ng seaborne patrols at safety measures sa lahat ng pantalan sa bansa.
Sa pagtataas ng alerto, sinabi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo na titiyakin ang maayos na operasyon ng sea transport facilities, convenient sea travel, at ang kaligtasan ng mga local at foreign tourists sa mga dinarayong beach at private resorts.
Magsasagawa din ang mga tauhan ng PCG ng 24/7 monitoring sa nautical highways sa western at eastern seaboards kabilang ang inter-island routes.
Ide-deploy din ang Coast Guard medical officers. (DDC)