“Online Bantay Lakbay 2024” inilunsad ng DOTr

“Online Bantay Lakbay 2024” inilunsad ng DOTr

Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaan para matiyak ang maayos na pagbiyahe ng publiko sa Semana Santa.

Inilunsad ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang Online Bantay Lakbay 2024.

Katuwang ng DOTr ang Department of Information and Communications Technology – Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC) at ang Scam Watch Pilipinas.

Sa ilalim ng “Online Bantay Lakbay 2024”, bubuksan ang #HOTLINE1326 na tutulong sa mga biyahero laban sa online scammers.

Kabilang sa tatanggapin sa hotline ang sumbong tungkol sa mga sumusunod:

1. Fake Accommodation
2. Fake Wifi
3. Too-Good-to-be-True Deals
4. “Free” Vacation Trap
5. Fake Travel Agents
6. Overpriced Tours
7. Charity Cons
8. Counterfeit Cash
9. Hidden CCTVs
10. Colorum Vehicles
11. Selling Lost Luggage sa FB
12. Fake SIMs
13. Fixer
14. murang airline tickets sa social media

Sa mga susunod na araw ay nakatakda na ding ilunsad ang maigting na pagpaplano at preparasyon para sa Holy Week 2024.

Kabilang sa paghahandaan ang mataas na bilang ng mga biyahero, kanilang pangangailangan sa mga terminal, pantalan, at paliparan.

Paghahandaan din ang pagkakaroon ng 24/7 monitoring sa EDSA Busway operations, hub at provincial bus terminals, pagpapatuloy ng anti-colorum operations, roadside checks, at istriktong pagpapatupad ng traffic laws. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *