450 na pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Muntinlupa
Aabot sa 450 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Alabang, Muntinlupa City.
Nangyari ang sunog Linggo (Jan. 17) ng umaga.
Pawang gawa sa light materials ang mga nasunog na bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.
Agad namang nag-deploy ng Muntinlupa Mobile Kitchen sa lugar para mapakain ang mga apektadong residente.
Ngayong umaga ng Lunes (Jan. 18) binalikan ng mga residente ang mga nasunog nilang bahay upang alamin kung mayroon pa silang maisasalbang gamit. (D. Cargullo)