Social Pension Program ng DSWD sa Eastern Visayas ngayong taon mayroong mahigit 291,000 beneficiaries
Mayroong mahigit 291,000 na benepisyaryo ng Social Pension Program sa buong Eastern Visayas para ngayong taong 2024.
Ayon sa datos na inilabas ng DSWD-Eastern Visayas, kabuuang 291,507 benepisyaryo ng nasabing programa sa buong rehiyon ngayong taon.
Sila ay nakatakdang makatanggap ng P1,000 na halaga ng stipend kada semestre.
Pinakamaraming bilang ng beneficiaries sa Leyte Province na mayroong 122,653; kasunod ang Samar Province – 46,760; Northern Samar – 38,893; Eastern Samar – 35,128 at Southern Leyte – 31,803.
Ang Social Pension Program ng DSWD ay base sa Ang RA 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2019 na layong pangalagaan ang mga indigent Senior Citizen sa pamamagitan ng paglalaan ng karagdagang tulong-pinansyal. (DDC)