DSWD Eastern Visayas Namahagi ng P49M na halaga ng tulong-pinansyal sa Catarman
Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Eastern Visayas ng mahigit P49 million na halaga ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga benepisyaryo sa Catarman, Northern Samar.
Kabuuang P49,354,400 na halaga ng ECT ang naipamahagi sa 16,235 beneficiaries sa nasabing bayan.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng malawakang distribusyon ng ECT sa probinsya ng Northern Samar.
Sa pinakahuling datos ay umabot na sa P337,342,720 ang kabuuang halaga na naipamahgi ng ahensya sa 110,968 na mga benepisyaryo mula sa nasabing probinsya.
Maliban sa Catarman, nagsagawa din ang DSWD ng distribusyon sa mga bayan ng Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino Lobos, Capul, at San Isidro.
Ang ECT ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. (DDC)