275 BuCor personnel mawawalan ng trabaho sa weekend

275 BuCor personnel mawawalan ng trabaho sa weekend

Aabot sa 275 na tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mawawalan ng trabaho sa weekend matapos mabigong makumpleto ang kanilang eligibility at educational requirements na mandato sa ilalim ng Republic Act 10575 o mas kilala sa tawag na “Bureau of Corrections Act of 2013.”

Sa ilalim ng probisyon ng nasabing batas ay nagbibigay ito ng propesyunalisasyon at pagpapaangat ng pamantayang kuwalipikasyon sa pagtatalaga ng Bucor personnel kung saan binibigyan sila ng limang taon mula sa petsa ng pagiging epektibo ng batas na makakuha ng minimum educational qualification at eligibility.

Dahil sa pagkaantala ng promulgasyon ng Implementing Rules and Regulations ng RA 10575, ang kuwalipikasyon ng mga pamantayan para sa Uniformed Personnel ng Bucor ay aaaprubahan lamang ng Civil Service Commission (CSC) noong Marso 16, 2018 ibig sabihin ang limang taon na ibinigay sa BuCor personnel sa pagtalima sa minimum requirements para sa mga posisyong itinakda ng CSC- approved Qualification Standards (QS) ay lipas na noong Marso 16, 2023.

Subalit dahil hirap ang mga nasabing indibiduwal sa pagsunod sa requirements bunsod na dulot ng COVID-19 pandemic, sinuspinde ni Justice Secretary Crispin Remulla ang implementasyon ng attrition system ng BuCor para sa hindi pagpapalawig ng isang taon o pataas sa Marso 16 2024.

Noong Oktubre 30, 2023 at nitong Pebrero 24, 2024 ay muling iniapela ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kay Remulla ang kalagayan ng mga nasabing tauhan na nasa orihinal na 421na nakalista sa attrition ngunit 41 rito ang naghain ng kanilang maagang pagreretiro habang 105 ang nagcomply ng eligibility at educational requirements kung saan natitira na lamang ang 275 na hindi pa nakakasunod at kinakailangan para sa attrition.

Sa ipinadalang sulat ni Remulla, ikinalungkot nitong ipinabatid kay Catapang na ang suspensiyon ng attrition system ay hindi na maaari pang palawigin lampas sa orihinal na non-extendible period na isang taon.

“While the Department understands the difficulties suffered by the personnel during the COVID pandemic, it is essential to strike a balance between the exigencies of the service and the need to uphold the statutory requirements provided under RA 19575,” pagtatapos ni Remulla.

Sa panig ni Catapang, nanawagan siya sa mga tauhan ng BuCor na mawawalan ng trabaho na maaari nilang irekomenda ang kanilang kamag-anak na mag-aplay ng trabaho sa BuCor at sinisiguro nitong tatanggapin sila basta kuwalipikado sa mga trabaho. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *