Legasiya ng yumaong Mayor Nene Aguilar ginugunita ng Las Piñeros
Ginugunita ng mga Las Piñero ang kaarawan ng yumaong Mayor Vergel “Nene” Aguilar kasabay ng pagbibigay pugay sa kanyang iniwang legasiya.
Patuloy na nabubuhay ang pangarap at bisyon ng namayapang alkalde sa pamamagitan ng di-matitinag na dedikasyon ng kanyang pamilya sa pangunguna nina Mayor Imelda “Mel” Aguilar at Vice Mayor April Aguilar na nagpapanataling totoo sa pangako niyang #TuloyAngTapatAtProgresibongSerbisyo sa buong lungsod ng Las Piñas.
Hindi kailanman malilimutan ng mga Las Pinero ang sakripisyo at pagmamahal ng Ama ng Las Piñas sa kanyang nasasakupan na patuloy na nadarama sa mga iniwan nitong programa. (Bhelle Gamboa)