Las Piñas ipinagdiriwang ang ika-26 taong anibersaryo ng DFCAMCLP

Las Piñas ipinagdiriwang ang ika-26 taong anibersaryo ng DFCAMCLP

Nagdiriwang ang Las Piñas City sa ika-26 taong pagkatatag ng Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College of Las Piñas (DFCAMCLP), isang pampublikong kolehiyo ng lungsod na nagbibigay-importansiya sa lokal na edukasyon at paglago ng komunidad.

Isinabay ang selebrasyon sa isinagawang lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar, sa Las Piñas City Hall grounds ngayong March 11.

Noong 1998 itinatag ng yumaong dating Mayor Vergel “Nene” Aguilar ang Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College na layuning bigyan ng libre at dekalidad na edukasyon ang mga residente ng Las Piñas City.

Ito ay ipinangalan sa kanyang ama bilang pagkilala sa dedikasyon nito at ng pamilyang Aguilar sa pagtataguyod ng edukasyon sa komunidad.

Sa paglipas ng maraming taon, ang kolehiyo ay naging tanyag dahil sa pambihirang academic programs nito partikular na sa larangan ng accounting na lumikha ng mga iskolar ng bayan na nagtagumpay sa parehong lokal at internasyunal.

Asahan sa mga darating pang taon ang napakahusay na akademiko ng DFCAM-CLP kung saan nagpapatuloy ang legasiya ng Aguilar na magbigay inspirasyon sa kultura ng pagkatuto at paglago ng Las Piñas na pangungunahan ng henerasyon ng iskolar na mag-aambag ng makabuluhan sa lipunan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *