AFP bilib sa pagiging makabayan ng mga Pinoy

AFP bilib sa pagiging makabayan ng mga Pinoy

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagiging makabayan ng mga Pinoy kasunod ng naging resulta ng OCTA Research survey kung saan lumitaw na mayorya ng mga Filipino ang handang lumaban para sa bansa.

Sa naturang survey ng OCTA Research, 77 percent ng mga Pinoy ang nagsabing handa silang lumaban para sa bansa.

Ayon sa pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa ngayon patuloy ang ginagawang paghahanda at modernization ng AFP para maharap ang anumang banta, internal man o external.

Sa kabila nito, mas mainam din ayon kay Brawner na ang bawat mamamayan ay magkaroon din ng sariling paghahanda.

Maaari aniya itong gawin sa pamamagitan ng pagsailalim sa Reserve Officer Training Course o sa pagsali sa Reserve Corps upang matuto ng military tactics.

Bawat indibidwal at organisasyon ay maaari ding mag-ambag sa defensive campaign ng AFP gaya na lamang ng pangangailangan sa barko, eroplano at iba pa.

Sinabi ni Brawner na maliban sa literal na paglaban ay maraming pamamaraan upang maidepensa ang bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *