High-level presidential delegation mula US dumating sa bansa
Nagpadala ang US government ng high-level presidential delegation sa Pilipinas sa pangunguna ni US Secretary of Commerce Gina Raimondo.
Sa isang mensahe, ipinaabot ni Panguong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hangaring palakasin pa ang pakikipagtulungan sa US, na isa sa mga top trading partners ng Pilipinas, sa kalakalan, pamumuhunan, imprastraktura, enerhiya, at iba pa.
Inasahan din ng pangulo ang kanyang muling pakikiisa sa delegasyon sa darating na Mayo para sa 6th annual Indo-Pacific Business Forum dito sa bansa.
Nagdaos din ng luncheon sa Malakanyang para kay Raimondo at sa US Presidential Trade and Investment Mission (PTIM) delegates.
Ayon sa pangulo umaasa siya na mas mapapaigting pa ang ugnayan ng Pilipinas at US tungo sa mas matatag na ekonomiya ng dalawang bansa.
Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa delegasyon, at kanyang inanyayahan ang pamahalaan at ang pribadong sektor na magkaisa at panatilihin ang dedikasyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat mamamayang Pilipino. (DDC)