Mahigit 200 pasahero at crew ng sumadsad na barko sa Romblon, nailigtas ng Coast Guard
Ligtas na ang mahigit 200 pasahero at crew ng MV SWM Salve Regina na sumadsad sa katubigan na sakop ng Romblon.
Rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Romblon (CGS) sa maritime incident na kinasangkutan ng nasabing barko na may lulang 168 na pasahero, 55 crew members, at 21 rolling cargoes.
Umalis ang nasabing barko sa Magdiwang Port, Romblon alas 9:00 ng gabi
ng March 10.
Pagdating sa lugar, agad inalam ang kondisyon ng mga pasahero at crew.
Nagsagawa ng vessel assessment ang team at nakipag-ugnayan ang PCG sa Romblon Diocesan Social Action Center (RDSAC) boat at sa Provincial Government ng Romblon (PGR).
Madaling araw ng Lune, March 11 ng ligtas na madala ang 168 na pasahero sa Romblon Public Plaza.
Habang ang 55 crew members kabilang ang master ng barko ay nanatili muna sa MV SWM REGINA. (DDC)