Mangingisda sa Pangasinan na nawawala ng tatlong araw, nailigtas ng Coast Guard

Mangingisda sa Pangasinan na nawawala ng tatlong araw, nailigtas ng Coast Guard

Mangingisda sa Pangasinan na nawawala ng tatlong araw, nailigtas ng Coast Guard

Nailigtas ng mga tauhan gn Coast Guard District North Western Luzon ang isang magsasaka na tatlong araw ng nawawala.

Ang magsasaka na nakilalang si Dexter Abalos, 32-anyos at residente ng Agno, Pangasinan ay nailigtas sa karagatan ng Agno.

Ayon kay Abalos, pumalaot siya noong March 7 para mangisda, pero ng naglalayag na siya pauwi,
may dolphin na tumama sa kaniyang bangka dahilan para tumaob ito.

Nagawa naman ni Abalos na makalangoy patungo sa mga “payao”.

Nanatili siya doon ng tatlong araw bago dumating ang rescuers.

Nakita ang mangigisda sa pamamagitan ng air surveillance ng Coast Guard Aviation Force (CGAF).

Nadala na din si Abalos sa Agno Municipal Fish Port at nabigyan ng medical treatment. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *