Pangulong Marcos tiniyak ang tulong ng gobyerno sa pamilya ng 2 Pinoy na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels

Pangulong Marcos tiniyak ang tulong ng gobyerno sa pamilya ng 2 Pinoy na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matulungan ang pamilya ng Filipino seafarers na nasawi dahil sa pag-atake ng Houthi rebels.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang pangulo sa mga naulila ng dalawang nasawing Pinoy.

Ayon sa pangulo, nakikipag-usap ang gobyerno sa pamilya ng mga nasawi at ginagawa na ang lahat para maiuwi ang kanilang labi.

Ang labingtatlong Pinoy na nakaligtas sa insidente kabilang ang tatlong nasugatan ay ligtas na at kasaluyang tinutulungan ng Embassy ng Pilipinas sa Cairo.

Ayon kay Pangulong Marcos, inatasan na niya ang DFA, DMW, DOH at DSWD na ipagkaloob ang karampatang tulong sa pamilya ng mga Pinoy seafarers. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *