22 PDLs pinagkalooban ng executive clemency ni Pang. Marcos

22 PDLs pinagkalooban ng executive clemency ni Pang. Marcos

Pinagkalooban ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng executive clemency ang 22 persons deprived of liberty (PDLs) ayon sa anunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa 22 PDLs, dalawa rito ang nabigyan ng conditional pardon habang 20 naman ang napagkalooban ng commutation of service.

Ang executive clemency ay tumutukoy sa pagpapababa ng parusa o sentensiya habang nakabase naman sa rekomendasyon ng Board of Pardons and Paroles ang conditional pardon at absolute pardon.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na kanilang ipo-proseso ang pagpapalaya kina PDLs Alfredo Bongcawel at kapatid nitong si Leopoldo na nabigyan ng conditional pardon na hindi na dapat lumabag muli sa penal laws at PDLs Roberto Gaut at Pablito Alvaran Jr. na nakatapos na ng kanilang hatol.

Ayon pa kay Catapang ang iba naman na nakapagsilbi na ng kanilang minimum na hatol ay pag-aaralan pa at kukumpletuhin ang kanilang documentary requirements bago ang aplikasyon ng parole ng mga sumusunod:

* Evelyn Palarca
* Dioscoro Talapian
* Venancio Abanes
* Avelino Tadina
* Fernando San Jose
* Quirino De Torres
* Bonifacio Besana
* Bernabe Cabrales
* Anselmo Delas Alas
* Arcadio Venzon
* Danilo Cabase
* Beverly Tibo-Tan
* Aurora Ambrocio
* Felipe Galarion
* Armando Dante
* Leopoldo Conlu
* Alex Valencerina
* Alfredo Toral

Nabatid na ang magkapatid na Boncales ay convicted sa kasong murder at nahatulan ng reclusion perpetua kung saan halos nakapagsilbi na ng halos tig-30 na taon ng kanilang sentensiya habang nasentensiyahan si Gaut ng reclusion perpetua sa kasong murder kung saan bumaba ang hatol nito mula 27 hanggang 32 na taon, samantalang abg hatol ni Alvaran ay bumaba sa determinate prison terms na 19 na taon.

Si Alvaran ay nahatulan ng tatlong bilang ng paglabag sa Presidential Decree 533 o Anti-Cattle Rusting Law at PD 1612 o Anti-Fencing Law.

Inaprubahan ni Justice Secretary Crispin Remulla sa rekomendasyon ng BuCor ang pagpapalaya sa walong PDLs na nakapagsilbi ng time allowances na umaabot na sa halos 40-taon.

Kabilang sa inutos na palayain sina Zaldy Francisco, Benedicto Ramos, David Garcia, Bernardo de Guzman, Rodel Garcia, Armando Canillo, Edilberto Platon at Josefina Patanao kung saan base sa kanilang prison records ay nahatulan sila ng isang bilang na reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.

Sa ilalim ng Department Order 652 na may petsang November 22, 2022 ang paglaya ng lahat ng PDLs na nakakulong sa mga pambansang piitan na tapos na sa kanilang hatol ay dapat na aprubahan ng Director General ng BuCor o kaniyang otorisadong kinatawan alinsunod sa mandato ng Bureau.

Sa paglaya ng PDLs na may sentensiyang habambuhay na pagkakabilanggo o reclusion perpetua o sa mga nasa uring high-risk/high-profile ay ipatutupad lamang pagkatapos ng pag-apruba ng kalihim ng DOJ.

Para siguruhin na ang paglaya ng PDLs na nakatapos ng hatol ng kanilang sentensiya ay hindi maantala, mabinbin ang pag-apruba ng Secretary of Justice, kung saan tungkulin ng Director General ng BuCor na magsumite ng kaukulang dokumento para sa ebalwasyon at pag-aapruba ng kalihim ng DOJ ng hindi lalagpas sa tatlong buwan bago ang inaasahang petsa ng paglaya ng PDLs. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *