Pagsasama ng Australia sa ASEAN suportado ni Pang. Marcos
Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsusulong na maisama ang Australia sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa pangulo naging aktibong parte na ng ASEAN ang Australia.
Ginawa ng pangulo ang reaksyon kasunod ng pahayag ni Malaysian Prime Minister Anwar Ebrahim na bukas sya sa pagsasama ng Australia sa ASEAN.
Ang 10-Member State ASEAN ay binubuo ng Indonesia, Malaysia, Cambodia, Singapore, Thailand, Brunei Darussalam, Viet Nam, Lao PDR, Myanmar, at Pilipinas.
Noong 2022, ang Timor Leste ay admitted “in principle” sa ASEAN bilang pang-11 miyembro habang nakabinbin pa ang full membership nito.
Kauuwi lamang ng bansa ni Pangulong Marcos galing sa kanyang byahe sa Australia kung saan lumahok sya sa 50th ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne. (DDC)