Piggery Farm Association inilunsad ng DSWD sa Eastern Samar
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ang inagurasyon ng Guinmaayohan Piggery Farm Association (GPFA) sa Balangiga, Eastern Samar.
Ang asosasyon ay binubuo ng 30 miyembro na magne-negosyo ng hog raising.
Binigyan sila ng seed capital fund na P300,000 ang halaga.
Dumalo din sa launching ceremony si Balangiga Municipal Mayor Dana Flynch De Lira. (DDC)