USD 1.53B na halaga ng business agreements naiuwi ni Pang. Marcos matapos ang pagbisita sa Australia
Nakauwi na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagbisita sa Australia.
Mula sa Melbourne, nakapag-uwi si Pangulong Marcos ng USD 1.53 bilyong halaga na business agreements.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), maghahatid ito ng trabaho trabaho sa sektor ng enerhiya, IT-BPM, housing, at kalusugan.
Ipinagpatuloy ni Marcos ang pagsulong sa interes ng mga Pilipino at pagpapatibay sa kooperasyon ng mga bansa sa Indo-Pacific sa mga session ng ASEAN-Australia Special Summit.
Ibinahagi rin ng pangulo ang posisyon ng bansa sa mga pandaigdigang usapin sa Lowy Institute at binisita ang mga kababayan nating nasa Australia. (DDC)