Publiko pinag-iingat ng DepEd sa “Pang Baon” Posts sa FB
Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko kaugnay sa pekeng psots na ipinakakalat sa Facebook tungkol sa umano ay libreng baon para sa mga Grade 1 hanggang Grade 6 learners.
Sa nasabing post na ginamitan pa ng logo ng DepEd at larawan ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, nakasaad na mayroong libreng pabaon sa mga Grade 1 hanggang Grade 6 students.
Paalala ng DepEd sa mga magulang at guardians huwag basta-basta ibabahagi sa ibang taon ang school information at identification ng kanilang mga anak.
Upang hindi maloko, sinabi ng DepEd na ang mga mahahalagang impormasyon ay ibinabahagi lamang sa official social media accounts ng kagawaran.
Hinikayat din ang publiko na ireport sa kagawaran ang mga peke at kahina-hinalang impormasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa depedactioncenter@deped.gov.ph. (DDC)