Mga OFW sa Hong Kong pinag-ingat sa “third country recruitment”

Mga OFW sa Hong Kong pinag-ingat sa “third country recruitment”

Nagpaalala ang Migrant Workers Office sa Hong Kong hinggil sa Third-Country Recruitment.

Ayon sa tanggapan ng DMW sa Hong Kong ilegal ang Third-Country Recruitment o anumang pag-aalok ng trabaho patungo sa ibang bansa.

Ginawa ng DMW ang paalala matapos makatanggap ng ulat tungkol sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-recruit umano ng isang indibidwal habang sila ay nasa Hong Kong patungo sa Kazakhstan.

Hinikayat umano na magtrabaho sila sa Kazakhstan bilang Nanny subalit hindi naging maayos ang kanilang kalagayan pagdating doon.

Ayon sa DMW, hindi naman pinipigilan ang mga OFW na nagnanais na makahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.

Gayunman, dapat tiyakin na legal ang magiging trabaho at hindi dapat nakikipagtransaksyon online upang maiwasan na mabiktima ng scam, illegal recruitment at human trafficking. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *