Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, 97 percent na ang completion rate
Nasa 97 percent na ang completion rate ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 project.
Ayon sa update mula sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), hindi malayong makamit ang target na pagbubukas nito sa ikaapat na quarter ng kasalukuyang taon.
Ayon kay LRMC President and CEO Juan F. Alfonso, mabilis ang proseso para sa civil at system works ng proyekto.
Halos patapos na din ang apat na bagong istasyon ng LRT-1.
Sa ngayon ang ginagawang Redemptorist Station ay nasa 93.3 percent na, ang MIA Station ay 93.5 percent, ang Asia World Station ay 83 percent, ang Ninoy Aquino Station ay 88 percent at ang Dr. Santos Station ay 94.1 percent.
Tuloy din ang ginagawang test run sa LRT-1 Extension Project para matiyak na compatible at handa na sa operasyon ang mga tren.
Ang LRT-1 Cavite Extension Project ay mayroong haba na 6.2 kilometers at kukunekta sa Baclaran Station patungo sa Dr. Santos Station sa ParaƱaque City. (DDC)