DFA magbubukas ng courtesy lane sa mga kababaihan bilang pagdiriwang sa National Women’s Month
Magbubukas ng courtesy lane ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga kababaihan na mag-aapply ng passport bilang paggunita sa National Women’s Month.
Ayon sa DFA, lahat ng Consular Offices ay magkakaroon ng Courtesy Lane sa mga kababaihan sa March 16, 2024.
Tatanggapin sa courtesy lane ang mga babae anuman ang edad.
Maaari din silang magsama ng isang immediate family member na mayroong proof of travel.
Pwede ding isama ang mga minor nilang anak.
Bukas din ang courtesy lane para sa mga aplikante na senior citizens, PWDs, Solo Parents at OFWs anuman ang kasarian.
Payo ng DFA, kumpletuhin ang requirements bago magtungo sa consular offices.
Kung mayroon namang darating na hindi kumpleto ang requirements, maaari pa din silang bumalik sa Consular Office hanggang sa katapusan ng Marso. (DDC)