Barko na maghahatid ng suplay sa Ayungin Shoal binomba ng water cannon ng barko ng China
Ginamitan ng water cannon ng barko ng China ang dalawang barko civilian vessels na maghahatid ng rasyon sa Ayungin Shoal.
Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), muling nakaranas ng pangha-harass mula sa barko ng China ang rotation and reprovisioning ng AFP at ng Western Command nito para sa mga sundalo na naka-destino sa BRP Sierra Madre.
Nangyari ang insidente noong Martes, March 5.
Barko na maghahatid ng suplay sa Ayungin Shoal binomba ng water cannon ng barko ng China
Ayon sa AFP, ang civilian vessels na Unaizah May 1 at 4 at kasama ang barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard bilang escorts ay hinarang at ginamitan ng water cannon ng Chinese coast guard vessels.
Sinabi ng AFP na dahil sa nasabing hakbang nalagay sa alanganin ang buhay ng kanilang mga tauhan.
Nakuhanan di ng video at mga larawan ang ginawang pangha-harass ng barko ng China.
Una ng naglabas din ng video ang PCG kung saan makikita na dinikitan ng Chinese Vessel ang barko ng Coast Guard na nagresulta sa minor damage sa barko ng Pilipinas. (DDC)