Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas nagsagawa ng 74th regular session

Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas nagsagawa ng 74th regular session

Isinagawa kahapon ng Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas ang ika-74 na regular na sesyon nito na tumugon sa iba’t ibang panukala para sa tuluy-tuloy at epektibong mga programa sa siyudad at mas mapabuti ang kapakanan ng mga residente.

Pinangasiwaan ni Vice Mayor April Aguilar ang mga pagtalakay sa pagpapaganda ng serbisyong pinansiyal sa pamamagitan ng partnership ng lokal na pamahalaan sa mga banko,mas madaling pamamaraan ng pagbabayad sa mga bayarin sa lungsod at pagkonsidera sa mga kahilingan ng mga Las Piñero na mapaluwag ang kanilang buwis.

Mabusising sinuri rin ng konseho ang iba pang rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng lungsod at pagsasaayos ng regulasyon bilang suporta sa paglago ng Las Piñas.

Dumalo sa naturang sesyon ang mga miyembro ng City Council na sina Konsehal Filemon Aguilar III, Rey Reyes, Mori Riguera, Emmanuel Luis Casimiro, Henry Medina, Luis Bustamante, Mark Anthony Santos, John Jess Bustamante, Ruben Ramos, Rex Riguera, Oscar Peña, at Danilo Hernandez. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *