Jaclyn Jose pumanaw dahil sa heart attack ayon sa anak na si Andi Eigenmann

Jaclyn Jose pumanaw dahil sa heart attack ayon sa anak na si Andi Eigenmann

Atake sa puso ang ikinasawi ng aktres na si Jaclyn Jose.

Humarap sa mga mamamahayag si Andi Eigenmann para ianunsyo ang pagpanaw ng beteranang aktres.

Ayon kay Andi, pumanaw ang kaniyang ina sa edad na 60 dahil sa heart attack.

Sinabi ni Andi na mananatili ang legasiya na iniwan ng kaniyang ina.

“Her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, through her grandchildren, and the many lives she’s touched. She herself, her life itself was her greatest obra maestra,” ayon kay Andi Eigenmann.

Umaasa ang naulilang pamilya na matutuldukan na ang mga espekulasyon kaugnay sa pagkamatay ng aktres. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *