3 ambulansya huli sa pagdaan sa EDSA Busway kahit walang sakay na pasyente

3 ambulansya huli sa pagdaan sa EDSA Busway kahit walang sakay na pasyente

Tatlong ambulansya ang nasampolan ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation sa mas pinaigting na kampanya kontra kolorum na ambulansya.

Naharang ang mga ambulansya matapos dumaan sa EDSA Busway sa bahagi ng Ortigas.

Galing ang mga ambulansya sa labas ng EDSA busway at pumasok sa bus lane ng maabala dahil sa bigat ng daloy ng trapiko, sabay bukas ng kanilang mga blinker kahit walang sakay na mga pasyente.

Agad namang nahuli at naitimbre ang mga ito sa SAICT at sa Philippine Coast Guard (PCG) operatives.

Inisyuhan ng tiket ang driver ng tatlong ambulansya.

Kamakailan, nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Department of Health (DOH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), DOTr at iba pang sektor kung saan tinalakay ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin kontra colorum na ambulansya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *