Residential area sa Parañaque City nasunog, 320 na pamilya apektado

Residential area sa Parañaque City nasunog, 320 na pamilya apektado

Aabot sa 320 na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos maabo ang nasa 160 na bahay sa naganap nasunog sa isang residential area sa Parañaque City kahapon.

Isang residente naman ang iniulat na bahagyang nasugatan na kinilalang si Habadon Jangke na agad nilapatan ng paunang lunas.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa Barangay San Isidro Covered Court.

Ayon sa inisyal na ulat ng Parañaque City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:27 ng gabi nitong Pebrero 27 nang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag na bahay ng isang Nickolo Silang sa Luba Street, Lovewin Compound, Ups 5, Barangay San Isidro sa nasabing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Kaagad na rumesponde ang 34 na fire trucks at limang ambulansiya sa lugar.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at idineklarang fire out ng BFP bandang 3:17 ng madaling araw.

Wala namang naiulat na namatay sa insidente subalit umabot sa 1,280 na indibiduwal ang naapektuhan sa sunog at tinatayang P800,000 halaga ng narupok na ari-arian.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog sa nasabing residential area. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *