Hatol ng korte laban sa 6 na pulis na sangkot sa trahedyang pagkamatay ng 17-anyos na binatilyo suportado ng NCRPO

Hatol ng korte laban sa 6 na pulis na sangkot sa trahedyang pagkamatay ng 17-anyos na binatilyo suportado ng NCRPO

Suportado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang iginawad na hatol ng Navotas Regional Trial Court Branch 286 laban sa anim na pulis na sangkot sa trahedyang pagkamatay ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar na kanilang napagkamalang suspek.

Inihayag pa ni NCRPO Regional Director, Major General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na importanteng maisilbi ang hustisya at mapanagot ang mga may sala.

Guilty sa kasong homicide na mayroong anim na taong pagkakabilanggo ang ipinataw ng hukuman laban kay dating Police Staff Sergeant Gerry Sabate Maliban (IS) habang guilty sa illegal discharge of firearms na may apat na buwang pagkakakulong kina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Esquillon, Police Corporal Edmark Jade Blanco, at Patrolman Benedict Mangada.

Inabsuwelto naman ng korte si Police Staff Sergeant Antonio Bugayong.

“We vehemently denounce the act, which in no way represents the character, values, or organizational conduct of the National Capital Region Police Office,”sabi ni RD Nartatez.

Bilang parte ng NCRPO sa pagsaway laban sa ganitong asal, tinanggal sa serbisyo anf anim na pulis epektibo noong Setyembre 13, 2023.

“Our message is very clear, the PNP and the NCRPO are in full support of the law and we will continue to fulfil our duty to protect the right to life of our people,” pagtatapos ng NCRPO. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *