South Korea nagbigay ng mahigit 7,800 na sako ng bigas para sa mga nabiktima ng pagbaha sa Northern Samar
Nagbigay ng mahigit 7,800 na sako ng bigas ang South Korea para sa mga biktima ng pagbaha sa Northern Samar.
Tinanggap ng Department of Social Welfare and Development’s Field Office VIII ang donasyon mula sa Republic of Korea Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs.
Kabuuang 7,850 na sakop ng bigas ang ibinigay ng South Korea sa idinaos na Turnover Ceremony sa Catarman Northern, Samar.
Ang mga donasyong bigas ay ipamamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Northern Samar dulot ng pag-iral ng Shear Line.
Partikular na mapagkakalooban ang 2,000 pamilya mula sa Palapag, 2,000 sa Catubig, 2,000 sa Lope De Vega, at 1,850 na pamilya mula sa Las Navas. (DDC)