Pang. Marcos pinayuhan si Pastor Quiboloy na harapin ang imbestigasyon ng Kamara at Senado

Pang. Marcos  pinayuhan si Pastor Quiboloy na harapin ang imbestigasyon ng Kamara at Senado

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na sumipot sa pagdinig ng Kamara at Senado.

Ayon kay Pangulong Marcos, mas makabubuting harapin ni Quiboloy ang imbestigasyon para masagot niya ang lahat ng mga alegasyon laban sa kanya.

Kapwa nagpalabas na ng subpoena ang Kamara at Senado laban kay Quiboloy kaugnay sa mga kasong sexual abuse at sa usapin ng prangkisa ng Sonshine Media Network Incorporated

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa ambush interview bago siya tumulak patungong Canberra, Australia para magsalita sa Parliament doon.

Ayon kay Pangulong Marcos na pinagsusumikapan ng gobyerno na maging patas kay Quiboloy at binibigyan ito ng oportunidad at forum para sa kaniyang kinakaharap na kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *