Plebisito para sa isinusulong na Cha Cha pwedeng isabay sa 2025 National and Local Elections ayon sa COMELEC
Bukas ang Commission on Elections (Comelec) na isabay ang pagdaraos ng plebisito para sa Cha Cha sa idaraos na National Elections sa 2025.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mas makatitipid kasi kung pagsasabayin na ang dalawang proseso.
Ani Garcia, aabutin din ng P13 billion ang gastos kapag hiwalay na ginawa ang plebisito para sa Cha Cha dahil katumbas nito ang pagdaraos din ng isang Barangay at SK Elections.
Kung gagawin ng sabay ang 2025 elections at plebisito, hahaba lamang aniya ang balota.
Gayunman, wala aniyang dagdag na gastos para sa poll body dahil walang dagdag na gamit o supplies na kailangang bilhin.
Ayon din sa Comelec Law Department, walang isinasaad sa batas na bawal pagsabayin ang plebisito at ang National and Local Elections. (DDC)