Pagsabay ng plebisito para sa Cha Cha sa 2025 elections pinag-aaralan ng pamahalaan ayon kay Pang. Marcos

Pagsabay ng plebisito para sa Cha Cha sa 2025 elections pinag-aaralan ng pamahalaan ayon kay Pang. Marcos

Pinag-aaralan ng pamahalaan na sabay na isagawa ang plebisito para sa panukalang Charter Change kasabay ng 2025 National and Local Elections.

Ayon kay Pangulong Marcos kung paghihiwalayin pa kasi ang plebisito at ang eleksyon, malaking gastusin ito sa gobyerno.

“Kung paghihiwalayin natin yung eleksyon at saka yung plebiscite parang dalawang eleksyon ‘yon e, napakamahal. So baka maaari, kung isabay natin ang plebisito sa local elections na gagawin sa Mayo next year malaking bagay yon, malaking savings para sa atin, kaya iyon, pinag-aaralan naming mabuti,” ayon sa pangulo.

Aminado naman si Pangulong Marcos na maaaring mayroong legal consequences dahil ang plebisito ay iba sa eleksyon.

Gayunman, kung magpagsasabay aniya ang dalawang proseso ay mas praktikal at mas malaking tipid.

Ayon sa pangulo kahit mas maagang matapos ng Kamara at Senado ang proseso para sa isinusulong na Charter Change, ang plebisito para dito ay maaaring gawin sa susunod na taon pa kasabay ng eleksyon.

Sa ngayon ayon kay Pangulong Marcos, umuusad na ang resolusyon para sa panukalang Cha Cha sa dalawang Kapulungan ng Kongreso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *