Halaga ng pinsala ng El Niño sa agrikultura mahigit P800M na
Umabot na sa mahigit P800 million ang halaga ng pinsala ng El Niño sa agrikultura ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa report ng NDRRMC, kabuuang P810,711,612 na ang naitalang halaga ng pinsala.
Malaking bahagi nito ay sa Western Visayas na mahigit P487 million, Mimaropa – mahigit P319 million, Calabarzon – mahigit P2 million at Zamboanga Region mahigit P717,000.
Ayon sa NDRRMC, mayroong mahigit 13,000 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng El Niño.
At mahigit 12,400 ektarya ng pananim ang apektado. (DDC)