Las Piñas LGU nagsagawa ng fun run para sa kalusugan ng mamamayan
Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng City Health Office at Sangguniang Kabataan (SK) ang isang fun run na may temang “Takbo Para sa 4K (Kalusugan ng Katawan at Kaisipan para sa Kabataan)” para pangalagaan ang mas malusog na komunidad lalo na sa kabataan.
Layunin ng fun run na isulong ang kalusugan ng katawan at kaisipan ng mga kabataan na humikayat na makibahagi ang mahigit 200 na kalahok na pagpapakita sa komunidad ang sigasig para sa angkop na pangangatawan at kagalingan.
Ang kaganapang “Takbo Para sa 4K” ay nagbigay-diin sa pangako ng Las Piñas City sa pangkalahatan at komprehensibong pangkalusugan para sa kabataang Las Piñeros.
Bukod sa pagtuon sa kalusugan ng katawan at kaisipan, binigyang importansiya rin ng inisyatibang ito ang balanseng pamamaraan sa pag-unlad ng kabataan na bahagi sa mas malawak na istratehiya ng lokal na pamahalaan at CHO upang pagsamahin ang kalusugan at kagalingan sa araw-araw na pamumuhay ng mga residente lalo na sa henerasyon ng kabataan.
Ang fun run ay nagsilbing paalaala sa puwersa ng komunidad at mahalagang tungkulin ng pisikal na aktibidad sa pagpapanatili ng kalusugan sa kaisipan at katawan.
Ito ay pagpapahalaga rin sa maagap na mga hakbang na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan para sa pagpaprayoridad sa kapakanan ng kabataan sa lungsod.
Sa ganitong mga inisyatiba ay inaasahang makakapagbigay ito ng inspirasyon sa mas marami pang kabataan tungo sa aktibo, malusog na pamumuhay at komunidad para sa lahat.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagtatakda nito ng kapuri-puring halimbawa sa pagsasagawa ng mas maraming kaganapan na mahalagang papel sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga residente na magsisimula sa kabataan. (Bhelle Gamboa)