P122K shabu nakumpiska sa pagsisilbi ng search warrant sa Las Piñas

P122K shabu nakumpiska sa pagsisilbi ng search warrant sa Las Piñas

Tinatayang 18 na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P122,400 ang nakumpiska ng otoridad at naaresto ang isang lalaki sa gitna ng search warrant sa kanyang bahay sa Las Piñas City.

Ang suspek ay kinilalang si alyas Reynaldo, 25-anyos, at residente sa Barangay Talon Singko sa naturang lungsod.

Isinilbi ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit ang search warrant na inisyu ni Las Piñas Regiobal Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Guray sa ilalim ng koordinasyon ng PDEA.

Sa kasagsagan ng operasyon, narekober ng mga pulis ang anim na pakete na naglalaman ng ilegal na droga, dalawang coin purse at cellphone mula sa suspek na sanhi ng agarang pagkakaaresto nito.

“I commend the Las Piñas City Police Station. This accomplishment is a testament to our relentless pursuit of community safety and the fight against illegal drugs. The collaborative effort with PDEA and the judiciary is crucial in achieving such successes. We remain steadfast in our commitment to ensuring the well-being of the communities within the Southern Police District,” pahayag ni Southern Police District Director Brigadier General Mark D. Pespes. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *