Progress rate ng Metro Manila Subway nasa 40 percent na ayon sa DOTr

Progress rate ng Metro Manila Subway nasa 40 percent na ayon sa DOTr

Nasa 40 percent na ang progress rate ng itinatayong Metro Manila Subway.

Ito ang kauna-unahang underground mass transport system sa Pilipinas.

Nagsagawa ng site inspection si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista Metro Manila Subway Project (MMSP) kasama sina Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto at Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative to the Philippines Takema Sakamoto.

Ayon kay Bautista, inaasahang matatapos ang proyekto sa 2029.

Pinasalamatan ni Bautista ang DOF at ang JICA sa patuloy na suporta sa proyekto na layuning gawing kumportable, accessible, ligtas, sustainable, at abot-kaya ang transportasyon sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *