Halos 100 donors nakiisa sa blood letting activity sa Real, Quezon

Halos 100 donors nakiisa sa blood letting activity sa Real, Quezon

Dinagsa ng maraming donors ng dugo ang matagumpay na isinagawang Blood Letting Activity na “Dugo Mo, Buhay Ko” sa Barangay Cawayan, Real, Quezon.

Pinangunahan ni Real Vice Mayor Kuya Doyle Joel M. Diestro ang naturang aktibidad kasama si Retired General Ringgo Sarona na nakiisa sa nasabing programa, ganun din ang ilang konsehales ng bayan, barangay kapitan Rowena Escama, at iba pang mga Barangay Kapitan na nakiisa sa blood letting.

Ayon kay Vice Mayor Diestro, bilang bahagi ito sa pagbibigay alaala ng kanyang kapatid na yumaong Dave Diestro na kasama sa mga adbokasya na makatulong sa kanyang mga kababayan.

Sinabi ni Diestro, na tuloy-tuloy ang kanilang programa sa Sangguniang Bayan bagama’t kulang sila sa pondo pero naging katuwang nila ang mga ahensya ng pamahalaan lalo na ang V. Luna Hospital Medical Center na nagpadala ng mga Doctor at Nurses na siyang nag-asikaso sa mga gustong magdonate ng dugo.

Sa nasabing programa, ang lahat ng mga donors ay dumadaan sa registration, screening at sa mga tamang proseso kung fit ba ang bawat isa na magdonate ng dugo.

Ikinatuwa naman ni Barangay Kapitana Rowena Escama ang mga ganitong programa dahil malaking tulong ito sa ating mga kababayan lalo’t higit sa mga nangangailangan ng dugo.

Lubos naman ang pasasalamat ni Major Edgar Heavenor D. Macion, Pathology Resident, Department of Pathology and Laboratory ng V. Luna Hospital Medical Center dahil dagsa ang mga nag-alay ng kanilang dugo na magagamit ito sa mga taong nangangailangan hindi lang sa hanay ng military kundi ganun na rin mga kababayan nating na maaring madugtungan ang kanilang buhay sa pamamagitan ng ganitong programa.

Tampok sa naturang aktibidad ang hanay ng PNP Real at ang Northern Quezon Philippine Coast Guard sa pangunguna ni CG ENS Neptali L. Rofuli Jr., Station Commander kasama ang kanyang mga kasamahang opisyal na nagdonate ng kanilang dugo.

Sinabi ni Rofuli, na handa ang kanilang tanggapan sa anumang magandang programa mapa pribado man o nasa gobyerno lalo na kung ito ay makatutulong sa pamayanan.

Hindi naman pahuhuli na nag-alay ng kanilang dugo ang ilang miyembro ng 1st Infantry Batallion ng Philippine Army sa pangunguna ni Captain George Atolba at ng kanyang kasamahan opisyal under the leadership ng kanilang Batallion Commander na si LTCol. Noel Wamil.

Kasabay nito, nanawagan si Vice Mayor Doyle Joel Diestro sa kanyang mga kababayan sa Real na patuloy na suportahan ang mga programa ng pamahalaan at ganun din ang iba’t-ibang aktibidad ng lokal na pamahalaan na makikisangkot sa mga magagandang adhikain. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *