Laperal Mansion at 3 iba pang mansyon sa Malakanyang binuksan muli para sa mga bisitang foreign heads of state at diplomats

Laperal Mansion at 3 iba pang mansyon sa Malakanyang binuksan muli para sa mga bisitang foreign heads of state at diplomats

Binuhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Laperal Mansion at tatlong iba pang mansyon sa Palasyo ng Malakanyang para sa mga bibisitang foreign heads of state at diplomats.

Ayon sa Presidential Communications Office, mismong si First Lady Liza Marcos ang nag-tour sa mga diplomats sa Laperal Mansion, Goldenberg Mansion na dating Presidential guest house, sa 19th-century home na Teus Mansion na kasalukuyag nagsisilbing Presidential Museum at Bahay Ugnayan.

Nabatid na inayos ang tatlong mansyon para gawiing museums. Bukas din ito sa publiko at walang bayad sa pagpasok.

Ipinakita ng First Lady ang Laperal Mansion, na crown jewel ng group of residences.

Ibinida dito ang heganteng European-inspired mansion na naglalaman ng 14 na kwarto at dalawang sun rooms na ipinangalan sa mga dating pangulo ng bansa.

Kasama rin sa Laperal Mansion ang tatlong state rooms na ipinangalan kina Magellan, MacArthur at Rizal.

Magsisilbi ang Laperal Mansion na official Presidential Guest House ng foreign heads of state o government.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *