Las Piñas LGU nagsagawa ng libreng pneumonia vax drive para sa senior citizens

Las Piñas LGU nagsagawa ng libreng pneumonia vax drive para sa senior citizens

Nagsagawa muli ng libreng pneumonia vaccination drive ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas upang protektahan ang kalusugan at kapakanan ng mga senior citizens.

Ang kampanya sa pagbabakuna ay inorganisa ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Juliana Gonzalez, na isinagawa sa Almanza Uno Covered Court sa Barangay Almanza Uno kamakailan.

Personal na tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra pneumonia sa mahigit 300 na nakatatandang Las Piñeros na bahagi sa pinalawak na hakbang ng lokal na pamahalaan upang pigilan ang pulmonya at mga seryosong komplikasyon na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan.

Naging maayos at mahusay na naisakatuparan ang proseso ng pagbabakuna sa tulong ng mga doktor at vaccinator ng lokal na pamahalaan na maingat na nagbigay ng mga bakuna at gumabay sa mga hakbang pangkalusugan.

Sumasalamin ito sa maagap na pagtugon ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa mga alalahanin sa kalusugan ng mamamayan nito lalo na sa mga senior citizen.

Sa pamamagitan ng handog na libreng bakuna ng lokal na pamahalaan ay mababawasan ang pagkakasakit ng pulmonya ng mga nakatatandang Las Piñeros na mahalagang kontribusyon sa mas malusog na komunidad. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *