Pangulong Marcos nagpaabot ng pagbati sa susunod na Indonesian President na si Prabowo Subianto
Binati ni Pangulong Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto matapos manalo sa presidential elections.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pagbati matapos ang malaking lamang ni Subianto laban sa kanyang mga katunggali.
Siniguro naman ni Pangulong Marcos na palalakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa Indonesia sa ilalim ng bagong administrasyon.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapalalim ng bilateral na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa, kasabay ng pagkilala sa Indonesia bilang isang malapit na kapitbahay at kasosyo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN.).
Binanggit din ng Pangulo ang nakatakdang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Diplomatic Relations sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa Nobyembre ngayong taon.
Ang 72 taong gulang na dating military special forces commander ay papalit sa puwesto ni Indonesian President Joko Widodo. (DDC)