P124M na halaga ng Emergency Cash Transfer naipamahagi na sa Northern Samar

P124M na halaga ng Emergency Cash Transfer naipamahagi na sa Northern Samar

Umabot sa P124 million na halaga ng Emergency Cash Transfer (ECT) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas sa Northern Samar.

Sa pinakahuling datos ng DSWD, nakapamahagi na ng P124,895,360 sa 41,084 na mga benepisaryo mula sa 10 na mga munisipyo sa Northern Samar.

Kabilang dito ang Allen, Bobon, Gamay, Lapinig, Lavezares, Lope de Vega, Mapanas, Palapag, Rosario, at San Jose.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong-pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre.

Batay sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitasyon ng mga apektadong pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *