P8.1M na halaga ng giant ‘Taklobo’ nakumpiska ng Coast Guard sa Palawan’
Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 336 na piraso ng fossilized giant clam shells na kilala din sa tawag na ‘Taklobo’.
Ang mga giant ‘Taklobo’ ay nakumpiska sa baybayin ng Barangay Sebaring, Balabac, Palawan.
Ayon sa Coast Guard District Palawan (CGDPAL), tinatayang aabot sa P8.1 million ang market value ng mga na-recover na xlam shells.
Dinala ang mga ito sa local government unit (LGU) para sa temporary custody. (DDC)