Las Piñas LGU at MMDA nagtulong sa pagsasagawa ng “Bayanihan sa Barangay” project

Las Piñas LGU at MMDA nagtulong sa pagsasagawa ng  “Bayanihan sa Barangay” project

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang isinasagawang”Bayanihan sa Barangay” project sa Barangay BF International CAA, Las Piñas City ngayong Huwebes, Pebrero 15.

Personal na tinutukan nina MMDA General Manager Ret. P/Col. Procopio Lipana at Las Piñas City Administrator Reynaldo Balagulan ang nasabing proyekto na naglalayon ng mas maayos na paghahatid ng serbisyo publiko at isulong ang katatagan sa mga matataong lugar.

Nakatuon ang programang ito sa serye ng mga aktibidad ng serbisyong pangkomunidad kabilang ang paglilinis sa mga pamilihan, mga daluyan ng tubig, pagtatabas ng mga puno, clearing operations sa mga bangketa,paglalagay ng traffic signages, at road clearing.

Ang mga hakbang na ito ay para sa pagsasaayos ng mas magandang antas ng pamumuhay sa lungsod, pagsiguro sa kalusugan at kaligtasan ng publiko, at ng responsableng komunidad.

Sumasalamin ang “Bayanihan sa Barangay” sa kolaborasyon ng hakbang upang lalong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan at tugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga residente sa Metro Manila.

Binibigyang-importansiya ang pinagsama-samang aksyon sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at ligtas na pamayanan.

Nagsisilbi rin itong modelo para sa pamamahala sa lungsod,pagtatampok sa positibong epekto ng pagtutulungan ng gobyerno at komunidad maging ang lalong ikaaayos ng kapaligiran at pagpapalakas ng samahan o ugnayan sa mga residente tungo sa maagap na pagtugon sa mga hamon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *