Bahay ni PCO Sec. Cheloy Garafil sa QC tinupok ng apoy

Bahay ni PCO Sec. Cheloy Garafil sa QC tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang bahay ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa Quezon City.

Kinumpirma ni Garafil na kasama ang kanyang bahay sa mga nasunog sa Gabriela Silang Street, New Capitol Estate 1 sa Barangay Batasan, Quezon City.

Wala namang nasaktan sa pamilya ni Garafil nang mangyari ang sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tatlong bahay ang naapektuhan ng sunog.

Nagsimula ang sunog bandang 8:30 ng gabi ng Miyerkules (Feb. 14) na umabot lamang sa unang alarma.

Alas 10:00 ng gabi nang maideklarang fire out na ang sunog.

Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng apoy. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *