PCG hindi kukunsintihin ang mga tauhan na nasampahan ng kaso kaugnay ng paglubog ng MT Princess Empress

PCG hindi kukunsintihin ang mga tauhan na nasampahan ng kaso kaugnay ng paglubog ng MT Princess Empress

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na makikipagtulungan ito sa paggulong ng kaso laban sa mga tauhan nito na may kaugnayan sa paglubog ng MT Princess Empress.

Ang paglubong ng nasabing oil tanker ay nagdulot ng malawakan at mapaminsalang oil spill sa maraming lugar sa Oriental Mindoro noong Pebrero 2023.

Sa naging pasya ng Department of Justice (DOJ), kabilang ang 19 na Coast Guard personnel sa inirekomendang masampahan ng kasong kriminal.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, hindi nito kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nakagawa ng pagkakamali.

Ayon ka Gavan, inirerespeto at susuportahan ng PCG ang rule of law.

Tiniyak din nitong maparurusahan ang mga PCG personnel na mapatutunayang guilty ng korte.

Kabilang sa isinampang kaso ay ang multiple counts ng falsification of private documents, paggamit ng falsified documents, at multiple counts ng falsification of public documents. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *