Apo Whang Od ginawaran ng parangal sa Malakanyang

Apo Whang Od ginawaran ng parangal sa Malakanyang

Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Apo Whang Od.

Ito ay dahil sa naging kontribusyon ng tanyag na mambabatok sa traditional arts ng Pilipinas.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa Honor Awards Program (HAP) ng Civil Service Commission (CSC) sa Malakanyang, kinilala nito ang mga manggagawa dahil sa natatanging work performance at ethical behavior.

Si Apo Whang Od ay ginawaran ng Outstanding Government Workers of 2023 at Presidential Medal of Merit awards.

”We are honoring Apo Whang Od for works that have made her and the country famous for other achievements that make her Filipino worthy of our respect and of our admiration. She’s a pioneer in shattering gender stereotypes venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa pangulo, maikukunsidera na national treasure si Apo Whang Od.

Ginawaran din ng parangal sina Bernardino Dabuet na utility worker ng National Food Authority at Fernando Viado na Administrative Aide VI (Mechanic II) ng Antipolo City dahil sa natatanging pagganap sa kani-kanilang mga tungkulin. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *