48 couples sa Parañaque sabay-sabay na ikinasal ngayong Valentine’s Day

48 couples sa Parañaque sabay-sabay na ikinasal ngayong Valentine’s Day

Nagsagawa ng kasalang bayan na may temang ‘Pa-Wedding ni Tambunting’ ang tanggapan ni Parañaque City 1st District Representative Gus Tambunting sa Elorde Sports Complex ngayong Araw ng mga Puso.

Sabay-sabay na ikinasal ang 48 na magkaparehang residente ng lungsod.

Pinayuhan ni Rep.Tambunting ang mga bagong kasal na magmahalan at planuhin ang pagpapamilya.

Aniya para sa mga ama ng tahanan na bigyang-importansiya ang kani-kanilang misis dahil sila ang mangangalaga ng pamilya at nakatuon sa pagbabudget.

Naging panauhing pandangal naman si Act CIS Party List Representative Erwin Tulfo na nagpaabot ng kanyang pagbati sa mga bagong kasal.

Sinabi ni Rep. Tulfo na napaka-importante ang pagmamahalan at respeto sa isa’t isa para sa maayos na pagsasama ng mag-asawa.

Binigyang-diin nito na hindi maaaring basta maghiwalay ang mag-asawa sa mga simpleng kadahilanan kung saan hindi pwedeng gamitin para sa paghahain ng annulment.

Aniya sa misis dapat ibigay ng mister ang kanilang suweldo para maayos na mapangasiwaan ang pangangailangan ng mga anak at sa loob ng tahanan.

Samantala mismong si Mayor Eric Olivarez ang nanguna sa seremonya ng pagkakasal sa mga magsing-irog at ang panunumpa ng mga bagong kasal para sa kanilang pagsasama sa hirap at ginhawa.

Inihayag ng alkalde na ang mainit nitong pagbati sa mga bagong kasal at aniya’y legal na ang kanilang pagsasama at bumuo ng pundasyon ng pagmamahalan at pagpapatawaran sa loob ng tahanan na sikreto ng masayang samahan.

Nabatid na pinakamatanda na magsing- irog na sina Maria Elena Guiral, 53-anyos at Rogelio Gemao, 45-anyos na nagsasabing huli man at magaling naihahabol din ang pag-ibig. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *